Friday, September 05, 2008

zoey!!!

si zoey ay isa rin sa pamangkin kong makulit, kaso nasa new zealand na nung 2006 pa, sayang! nakakamiss sya! kz noon, halos araw araw, pag uwi ko galing ofc tuwang tuwa akong sasalubungin tapos sabay yaya sa kwarto ko para manood ng disney channel, ang tawag nya pa noon "disney channel dubi" (disney channel movie daw, ewan ko na ngayong 5 yrs old na sya).

tahimik lang sya manonod, seryoso ika nga, ayaw maistorbo. maya maya na sya hihirit "ano nangyari?" (kulit noh), syempre explain ka sa kanya sabay hihirit ulit ng "i know!", loko rin no! hehehe... eto malupit! makakatulog na sya at syempre iihian na kama mo! naaaaaay!!! hehehe, kakatuwa talaga si zoey!

eto na sya ngayon, mabait na nga ba? kayo humusga...

ayan makulit pa rin! hehehe! "habang nagga-garden si inay picture picture muna ako", pero sabi ng ate ko, kahit makulit si zoey, marunong naman daw kumayod para sa pamilya...

aba! marunong nga kumayod! kumayod ng niyog! tama?! olrayt?! APIR!!! hehehehe

0 Comments:

Post a Comment

<< Home