Monday, January 26, 2009

mix of the week

di ko alam kung ano talaga name nitong mix na to pero malupit! mga oct. '08 pa inintroduce to ng friend kong si chock, medyo na kakasindak pag tinitimpla pero sarap inumin! eto ang ingredients nya:

1 bottle Gin (pwede na gsm blue, ung maliit lang ha)
1 bottle Rhum (tanduay oks na, ung lapad lang po)
1 bottle Vodka (cossak vodka oks na rin, maliit lang ha)
1 bottle Tequila (el hombre ata ang pinakamurang nabili namin, maliit din)
4-5 pcs. lemon
1-2 bottle of Coke 1.5 liters (depende sa panlasa nyo kaya 2 bote)
1 pack of yosi
ice (bahala na kayo kung gaano kalamig gusto nyo, mas malamig mas masarap!)
pitchel (malaki kelangan, ung tipong kaya 3 liters)
sandok (panghalo)

instructions:
1) buksan ang takip ng apat na alak, isalin ang kalahati (pwede rin 1/3 muna basta bahala kayo) ng apat na alak
2) magslice ng 2 hanggang 3 pirasong lemon (depende pa rin sa panlasa nyo) pigain ng konti sa pitchel at ilagay sa loob ng pitchel
3) isalin ang coke (again, bahala kayo na kayo magtansa)
4) wag muna ihalo ang yelo, tikman muna tapos patikim din sa iba kung ok na ang lasa, pag hindi pa, dagdagan ng coke at haluin gamit ang sandok (malaking pitchel kz ang gamit namin kya sandok ang panghalo),
5) kunin ang yelo at humarap sa pader, ipalo ang yelo sa pader para medyo durog ang yelo, (babala, huwag durugin ng maigi dahli pag tagay nyo my sasamang maliliit na yelo at baka mabulunan/bilaukan ang kainuman.)
6) ilagay ang yelo sa pitchel at haluin ulit gamit ang sandok.
7) may natira pa di ba? ulitin ang steps 1 to 6 para sa second round, magyosi kung kailangan.


masarap yang timplang yan at medyo matipid pa, nasa 400 to 450 petot depende kung saan ka bibili.

abangan ang ibang mix sa isang linggo!

olrayt? apir!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home