Wednesday, January 28, 2009

wow mali!

grabe, kumahog ako pumasok kanina, pano ba naman, 7:15 na ka chat ko pa si JP! langya talaga tong si good looking guy! ayun, nagmadali na ko, as usual pag late na ko taxi na ko papasok. swerte ko! dahil ilang kanto palang mula sa bahay my taxi na! sakto naman sa grace periond dating ko sa office, sabi ko sa sarili ko, "yes!!! bwenas ako ngayong araw na 'to! ganda ng simula ng araw ko!". so prepare ko kagad ang trabahong gagawin ko (isang SR lang naman ipi-print ko, hehehe) tapos may napansin ako, nakatingin sa kin ibang officemate ko, mga nakasmile pa! naisip ko, "iba talaga gwapo!", "di nyo ko makukuha, babalik pa sya!" hehehe. biglang napansin ko, mali pala uniform ko! wednesday lang pala kala ko thursday na! toink! wow mali! hubad kaagad ako ng polo! jahe men! hehehe, kala ko bwenas na ko! ahahay!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home