GC!
nag general cleaning ako ng kwarto kanina, lahat ng basura wala na, ang gaan ng feeling, mga alaala ng nakaraan binasura na rin, lahat ng gamit na binigay nya at mga bagay na binili namin wala na rin. yung tv na lang at dvd player natira, panibagong panimula sa buhay ko, back to zero...
kasabay ng pag abo ng gamit ang mga alaala, gaya ng araw na kami'y masaya, wala na, bumitaw sya.... pinaka mabigat sunugin, yung photo album ng kasal namin, ang araw na ako'y pinakamasaya, sumpaan namin dalawa, habang buhay magsasama, binale wala nya...
salamat tapos na, mga araw na sa isip ay hirap ka, ang araw na pagbabalik nya, ngayon wala na... salamat!
ngayon handa handa na, sa bagong panimula, bagong buhay ika nga, kayang kaya! ano man hamon ng buhay, panis ka! for my life's is my own to live my own way...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home