Tuesday, March 03, 2009

mix of the week II

medyo sosyal itong mix na to, tinuro sa akin ng isang tropa. para to sa mga taong mahilig mag pass o ayaw tumagay ng alak o kaya sa taong gusto mong pagtripan, lol!

ito ay tatawagin kong "HOME MADE RED WINE"

mga kelangan:

1 bottle ng red wine (yung walang laman at kung maari ung may cork pa)
1 bottle emperador (longneck)
1 pack ng tang litro pack na grapes

proseso:

buksan ang tang litro pack at ang bote ng emperador
isalin ang laman ng litro pack sa empoy at haluin mabuti
isalin sa bote ng red wine ang mix, huwag punuin, mga 7/8 lang para kunwari bawas na
takpan ang bote ng cork (wag mo isagad, di mo kayang isara ng todo yan) at ilagay sa ref

ok na! malamang pag my party sa inyo at ilabas mo yan tapos chilled pa may tatagay nyan! asahan nyo na expression ng mukha nila at malamang mapapmura yung taong iyon ("potah! ano to?") o ikaw mismo mumurahin! nabiktima na ko nyan eh! lol!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home